‏ 1 Chronicles 1:43-54

Ang mga Hari ng Edom

(Gen. 36:31-43)

43Ito ang mga hari ng Edom, noong panahon na wala pang mga hari ang mga Israelita:

Si Bela na taga-Dinhaba na anak ni Beor ay naging hari sa Edom.
44Pagkamatay niya, pinalitan siya ni Jobab na anak ni Zera na taga-Bozra. 45Pagkamatay ni Jobab, pinalitan siya ni Husham na taga-Teman. 46Pagkamatay ni Husham, pinalitan siya ni Hadad na taga-Avit na anak ni Bedad. Si Hadad ang nakatalo sa mga Midianita roon sa Moab. 47Pagkamatay ni Hadad, pinalitan siya ni Samla na taga-Masreka. 48Pagkamatay ni Samla, pinalitan siya ni Shaul na taga-Rehobot na malapit sa Ilog ng Eufrates. 49Pagkamatay ni Shaul, pinalitan siya ni Baal Hanan na anak ni Acbor. 50Pagkamatay ni Baal Hanan, pinalitan siya ni Hadad na taga-Pau. Ang asawa niya ay si Mehetabel na anak ni Matred at apo ni Me-Zahab. 51Hindi nagtagal, namatay si Hadad.

Ito ang mga pinuno ng angkan ng Edom: Timna, Alva, Jetet,
52Oholibama, Elah, Pinon, 53Kenaz, Teman, Mibzar, 54Magdiel at Iram.

Copyright information for TglASD
The selected Bible will not be clickable as it does not support the Vocabulary feature. The vocabulary is available by hovering over the verse number.