‏ Mark 12:38-40

Babala Laban sa mga Tagapagturo ng Kautusan

(Mat. 23:1-36; Luc. 20:45-47)

38Sinabi pa ni Jesus sa kanyang pagtuturo, “Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan. Mahilig silang mamasyal na nakasuot ng espesyal na damit.
espesyal na damit: sa literal, mahabang damit.
At gustong-gusto nilang batiin silaʼt igalang sa mga mataong lugar.
mga mataong lugar: sa literal, mga palengke.
39Mahilig silang maupo sa mga upuang pandangal sa mga sambahan at mga handaan. 40Dinadaya nila ang mga biyuda para makuha ang mga ari-arian ng mga ito, at pinagtatakpan nila ang mga ginagawa nila sa pamamagitan ng mahabang pagdarasal! Ang mga taong itoʼy tatanggap ng mas mabigat na parusa.”

Copyright information for TglASD
The selected Bible will not be clickable as it does not support the Vocabulary feature. The vocabulary is available by hovering over the verse number.

Everyone uses cookies. We do too! Cookies are little bits of information stored on your computer which help us give you a better experience. You can find out more by reading the STEPBible cookie policy.