‏ Mark 13:14-19

Ang Kasuklam-suklam na Darating

(Mat. 24:15-28; Luc. 21:20-24)

14“Makikita ninyo ang kasuklam-suklam na darating na magiging dahilan ng pag-iwan sa templo, at nakatayo ito sa lugar na hindi dapat kalagyan nito.” (Kayong mga bumabasa, unawain ninyo itong mabuti!) “Kapag nangyari na ito, ang mga nasa Judea ay dapat nang tumakas papunta sa kabundukan. 15Ang nasa labas ng bahay
labas ng bahay: sa literal, bubungan.
ay huwag nang pumasok para kumuha ng anuman.
16Ang nasa bukid ay huwag nang umuwi para kumuha ng damit. 17Kawawa ang mga buntis at ang mga nagpapasuso sa mga araw na iyon dahil mahihirapan silang tumakas. 18Idalangin ninyong huwag itong mangyari sa panahon ng taglamig. 19Sapagkat sa panahong iyon, makakaranas ang mga tao ng mga paghihirap na hindi pa nararanasan mula nang likhain ng Dios ang mundo hanggang ngayon, at wala nang mangyayari pang ganoon kahit kailan.
Copyright information for TglASD
The selected Bible will not be clickable as it does not support the Vocabulary feature. The vocabulary is available by hovering over the verse number.

Everyone uses cookies. We do too! Cookies are little bits of information stored on your computer which help us give you a better experience. You can find out more by reading the STEPBible cookie policy.